Laban At Laya

​Sa laban na ito

Mag-isa kong ipagtatanggol ang sarili ko

Laban sa iyo

Dahil ang inaakala ko’y kasama kita

Sa bawat pagsubok na hinaharap nating dalawa.

Di ko namang akalain

Sa iba ka papanig

Sa iba mo inialay

Ang iyong buhay.

Hindi ko namang magawang lumayo

Dahil ako’y nakatali sa iyo

Kung ang panaho’y maibabalik pa

Sana’y matagal na akong nakalaya

Ngayon ako’y mag-isa

Walang kakampi, nawawalang pag-asa

Di ako susuko

Sa pag-ibig na ako’y nakapako

Kung di man kita maipaglaban at naangkin ng iba

Hayaa’t ako na’ng bahala sa sarili ko nang lumigaya

Sawa naman din ako sa mga kasinungalingan mo

Ngayon nama’y paniwalaan ko ang sarili ko.

Pusong Sanay

​Sa dinamiraming napagdaanan sa pagmamahal sa iyo

Puso’y maraming natutunan, 

Mga alaalang di makakalimutan, 

Mga bagay na nakasanayan, 

Mga panahong nais balikan.

Nais sana’y ang mga ito’y nakapagpapasaya

Ngunit balik saki’y luha

Puso’y sanay na

Sa mga iyong ginagawa
Sabi mo pa’y wala na akong magagawa

Sa mga bagay na tapos na

Di na maibabalik at maitama

Pagkakamaling iyong ikinaligaya
Lahat ng iyon ay babalewalain

Kayang tiisin

Sakit na dinidimdim

Mangangapa nalang sa dilim

Dahil pikit-mata kita’y yakapin
Sabi mo pa’y siya ay nakalipas

Nalilibing ng oras

Siya’y hindi mahal na wagas

Pero sa kanya’y nakapagbigay pa ng rosas
Ako’y nagbubulag bulagan

Kunwari’y di nararamdaman

Ang sakit na pilit kinakalimutan

Ang sakit na aking nakasanayan.